6.22.2007
posted by jhenny at Friday, June 22, 2007

last monday i was with my tita at the SSS diliman branch to check regarding her pension, and that is not the first time we went there, i think mga 3 times na pabalik-balik on last 4 months, imagine, as in sobrang pahirap, pension na nga ng tita ko yun papahirapan pa cya.. ay ewan ko ba! the positive part is that nakarating ako sa SSS main branch hehe, sobrang laki pala dun, at isa lang ang napansin ko... ang daming empleyado ng sss... grabe. well i never expected na ganun kadami lalo na dun sa building with 11 floors, maybe because main branch nga kaya sobrang dami, pero ang nakakadismaya wala naman silang ginagawa... ang daming lates na nagdatingan, tapos tsismisan, tapos breaktime na nila, tapos tsismisan ulit sila... ewan ko ba... as in nag-file up na yung mga tao na nangangailangan ng service nila, sila tuloy lang sa huntahan... tsk tsk tsk... at eto pa, after 2hrs waiting there ang sasabihin lang sa amin ay....

" bumalik na lang po kayo after a month.."

hu-whatttttttttttttttttttt.?!?!?!??!!




================================


im on the night shift this week so i was planning last monday to wash all my stuff toys and to do a general cleaning of my room kasi mas mukhang bodega na yung room ko, books, magazines, shoes and bags nagkalat na... ndi ko nga alam pano pa ako nakakatulog sa room ko eh LOL... but seriously my room badly needed some good cleaning!! and i was supposed to do that last monday after the SSS thing... kaya lang malas yata talaga ang monday ko, when we got home my cousin and my other tita were very frantic and they were saying things na i cannot understand because they talk so fast and they keep on telling me bitin sentences, like...

"nagkita na kayo ng mama mo??"
"punta ka sa store nyo kasi si ano"
"nandun si ano, bilisan mo punta ka na dun"

ang reaction ko tuloy, ano daw??? as in wala ako maintindihan sa sinasabi nila... tapos sabi ko teka, isa-isa lang hindi ko ma-gets sinasabi nyo... and they said

"punta ka sa tindahan nyo, kasi nandun si joanne, dala nya si bumbum, nahulog sa hagdanan, ang daming pasa sa mukha at natanggal yung ipin nya sa ibaba!" ( my tita pointing to her chin )

"at si mama mo sobrang nerbyos nahihirapan huminga"....

hay, natulala ako after hearing the news... i can't talk back. feeling ko nalaglag ang puso ko.

then when i got at the store they told me that they were already at the hospital, so pati ako sobrang nerbyos... buti na lang papa ko sobrang cool lang ( knowing na may high blood pressure pa cya ha ), so sunod naman kami sa hospital, pagdating namin dun wala na ipin si bumbum :( he already have 6 teeth, 4 sa taas 2 sa baba, unfortunately lahat nung ipin nya sa baba natanggal :( try pa nga sana ng doctor na i-save kaya lang hindi safe kasi baka malunok nya daw kasi talagang natanggal na, kapag 5 or 6 yrs. old na cya dun pa lang ulet tutubo yung 2 ipin nya :(

after cya mabigyan ng gamot the doctor told us he needs to eat an ice cream daw para maampat yung pagdudugo, luckily no actually miracle na walang nabaling buto at ndi naman cya nagkaroon ng head injury. ( thanks god talaga )

pagbalik namin sa bahay from hospital pinakain namin cya ng ice cream, ok naman, kumakain naman cya, tapos after nya maubos yung maliit na cup, he starter to cry... kasi nabitin cya! hehe lokong bata...

sabi nga ng doctor baka daw maapektuhan at humina yung pagkain at pag-dede nya, which is hindi nangyari kasi after nya mag-ice cream nakaubos agad cya ng 110z na milk hehehe.. and after that makulit na ulet cya, super sayaw at super beautiful eyes na ulit hehehe..

hay, afterall naman pala hindi rin ganun ka-malas ang monday ko :) yun nga lang ndi na ako nakapag-linis gaya ng plan ko... pero ok lang at least ok si bumbum pati na rin ang mama ko :) marami pa namang mondays na darating :)

 
9 Comments:


At Sat Jun 23, 01:06:00 AM, Anonymous Anonymous

Naku sobrang busy ah. Pahirapan ata taaga dyan sa SSS.

Grabe, daming nangyari dun ah. Buti naman ok na si bumbum. Pag bata talaga. Mukhang natural na na-aaccidente. Yung ice cream parang dual purpose. Pang pa calma sa bata pati na rin sa gums. Hehe kaya enge ice cream

 

At Sat Jun 23, 03:09:00 AM, Blogger MISYEL

OH whatta a monday! hehe... Una, ganun pa din talaga sa gobyerno ano walang pagbabago! Kakainis yung pababalik-balikin ka nila at atupagin eh ang tsismisan ng kung anik-anik.

Kawawa naman nangyari ke bumbum, buti na lang mga milk teeth pa lang yun. Thank God din walang serious na ngyari sa pagkalaglag nya.

OK na din yang mala-bodega mong room atleast para kang nasa shopping mall, hehehe..

Have a nice weekend gurl!

 

At Mon Jun 25, 07:09:00 PM, Anonymous Anonymous

ganyan talaga sa gobyerno natin kahit saan

tapos may lakas pa sila ng loob na humingi ng increase

dapat talaga bawasan ang mga tao nila

 

At Mon Jun 25, 09:00:00 PM, Anonymous Anonymous

walang ng bago sa gobyerno. gusto ng pagbabago pero sila naman ang ayaw magbago. saka kapal nila taong bayan nagpapasweldo sa kanila nasaan ang serbisyo nila.

wawa naman si bumbum buti na lang ipin lang nawala.

happy monday pa rin! heheh

 

At Tue Jun 26, 11:51:00 AM, Anonymous Anonymous

Very inefficient talaga yang SSS. Hanggang ngayon na supposed to be an automated na lahat - usad pagong pa rin sila! Sigh!

 

At Tue Jun 26, 12:29:00 PM, Blogger -

me utang pa nga ko sa sss e.hehehe. pero mas malaki pa contribution ko dun sa utang ko....waaaaa.olats ako sana sinagad ko na lang..tigas ni bumbum ah. sa pangalan na lang o d ba...ice cream lang pala katapat ng ipen.hehehe

 

At Wed Jun 27, 08:02:00 AM, Anonymous Anonymous

ako rin may utang pa sa SSS.. tagal nga marenew.. 2 yrs pa... :)... hayyyyyyyyy

 

At Wed Jun 27, 12:37:00 PM, Blogger risk

buti naman at ok lang pamangkin mo... musta na? long time no visit ako dito a, dami ng nabago, heheheh... may email address ka ba? pwede malaman? may forward lang sana ako kung iyong mamarapatin... have a nice day

 

At Sun Jul 01, 09:34:00 PM, Blogger jhenny

>>hi ferdz!! yep pahirapan pa din sa sss and that is very sad lalo na kapag u have limited time lang to spare for it diba.. ok naman si bumbum yun pasaway na naman cya ulet :)

>>hi misyel! yeah kawawa talaga si bumbum nung unang nakita ko cya, pero now ok na naman cya ulet.. makulit na naman at walang kadala-dala sa pag-akyat ng hagdan hehe.. thanks girl, ingat ka lagi dyan ha, have a great day too :)

>>hi tito!! yeah i super agree na dapat talaga bawasan ang employee, grabe sobrang over staffed sila to the point na yung iba is wala na talaga ginagawa, pero dun sa may kabilang building, mas konti ang naka-assign eh sila pa naman yung nagpa-process ng mga karamihan sa need ng mga members ng sss..

>>hi mousey!! waaaaaaa korek ka dyan girl!!! minsan nga gusto ko na magtaray kapag ganun na, and i wanted to reminded them na, haller binabawas sa tax ko ang salary nyo hehe.. pero you know naman.. about bumbum naman ok naman cya :)

>>hi rhodora!! hay sinabi mo pa, tapos yung iba ang susungit pa :(

>>hi germs!! ako tapos na sa loan ko hehe.. hahaha sinabi mo pa. astig talaga!! hay ice cream nga lang ang magpapaligaya sa kanya hehe

>>hi rhodyl!! oo nga eh no, ang tagal no bago mabayaran, after 2 years pa hehe, pero ok na din yun para konti lang kaltas hehe..

>>hi risk!!! buti napadalaw ka ulit.. here'a my e-add jenmabignay@hotmail.com

thanks guys for always dropping by :) sa uulitin :)