5.03.2007
posted by jhenny at Thursday, May 03, 2007

nung nakaraang araw nasa jeep ako galing ng work at pauwi na.. konti lang kami, 6 lang kami na pasahero, dalawa kami sa right side at apat naman sa left side.. habang traffic nagbabasa ako ng book, i heard na yung babae sa pinakadulo ng jeep may kausap sa cellphone nya, she's discussing about a pawnshop na pwdeng magpadala ng money.. then the girl next to her biglang nag-ring ang phone so 2 na silang may kausap... then yung katabi nilang guy biglang may kausap na din sa cp nya, so 3 silang magkakatabi na konti lang ang pagitan sa isa't-isa na may kausap sa cp... bigla ako napahinto sa pagbabasa at pinagmasdan ko sila.. actually natatawa ako sa kanila... kasi sabay-sabay sila nagsasalita... kaya kaming 3 na walang kausap sa cellphone nakatunganga sa kanilang 3.. ewan ko ba amused na amused ako hehehe..


================================

kagabi naman sa jeep ulet.. yung driver ng jeep kasama nya yung asawa nya.. taga-sukli yung misis nya.. at habang traffic na naman (hay sobrang matindi talaga ang traffic sa las piñas) yung driver nya at yung wife nagdidiskusyon..

misis : naku pano tayo pupunta sa kabilang bahay may naka-babad pala akong kumot kailanngan ko ng labhan yun..

driver : sa hapon mo na lang labhan..

misis : ganito na lang, punta ka sa palengke ng maaga, mag-motor ka nalang habang naglalaba ako para sa hapon makapunta tayo sa kabilang bahay..

driver : eh bakit mag-isa lang ako pupunta ng palengke.. ndi ko nga alam ang bibilhin..

misis : eh ano gagawin ko, alangan naman magkasama pa tayo.. kaya mo na yun, gamitin mo naman yung utak mo.

driver : ( tahimik na lang habang nakasimangot )



.... akala ko mag-aaway na ng tuluyan eh.. hehe ang lakas pa naman nila mag-usap :P
 
10 Comments:


At Thu May 03, 07:32:00 PM, Blogger dodongflores

Ang worst na na-experience ko sa jeepney (and it did happen several times) ay iyong pasaherong nagbabayad ng pamasahe na malayo sa driver. Kapag nag-abot ng bayad through me akala mo kung sinong makautos, may pa"Hoy!" pa, eh, nakikisuyo nga lang. Ang iba kasi, very much disoriented about common courtesy, akala nila, responsibility na ng pasahero sa may likod ng driver ang mag-abot ng bayad nila... :)

 

At Fri May 04, 01:16:00 AM, Blogger eden

hay, kwentong jeepney :) daming chickahan pagdating sa loob nyan, kaya makinig ka nalang hehehe.

 

At Fri May 04, 11:33:00 AM, Anonymous rhodyl

hehehe... ok rin sumakay ng jeep.. lalo na pag galing trabaho.. tapos mga katabi mo ay mga trabahador sa palengke, carpentero atbp.. naku maamoy mo talaga ang kakaibang amoy... :)

 

At Fri May 04, 12:44:00 PM, Anonymous enoc

hehe.. dami talagang nakakatuwang kwento sa loob ng jeep.. sayang lang hindi masyadong napapansin ng mga producer at direktor ng mga pelikula yung mga nangyayari sa loob ng jeep dahil hindi sila sumasakay ng jeep.. e di sana, dami nila magagawa konsepto tungkol sa mga nangyayari sa loob ng jeep.

 

At Fri May 04, 03:46:00 PM, Blogger U.T.O.Y

eto naman experience ko sa nueva ecija:

Sa Jeep, me 2 babaeng average looking:

Babae 1: Mama bayad po dalawang Baluga...
UTOY: (Pigil ang pagtawa)
Driver: Ilan to?
Babae 2: Dalawa pong Baluga...
UTOY: (mauutot na sa pagpigil sa pagtawa)
Driver: Eto sukli nung dalawang Baluga.
UTOY: (di na napigilan ang pagtawa)
hehehehe

Apparently, me Brgy Baluga sa lugar na yon heheh

 

At Sat May 05, 02:42:00 AM, Anonymous mousey

heheh... nasubukan ko nang sumakay na nakalimutan kong nagbayad... judas not pay! sabi ng basta driver sweet lover .

 

At Sun May 06, 07:40:00 AM, Blogger germs

eksena sa jeepney sa jeep lang makkita. wala dito nun eh.hahahaa. kakatuwa nga. tas un mag jowa.. it only proves whos got the last word sa husband wife conversation.not fair..hehehe

 

At Sun May 06, 05:31:00 PM, Anonymous tutubi

beep...beep...beep...beep

:)

 

At Sun May 06, 09:46:00 PM, Anonymous Ferdz

Hahaha! Minsan talaga nakaka-aliw pag masdan ang mga tao sa jeep. Cguro magandang past time din yang people watching pag traffic. hehehe

 

At Mon May 07, 11:39:00 AM, Blogger jhenny

hello guys.. thanks for dropping by :)

>>dodong, sinabi mo pa meron talaga atang mga pasaherong ganun.. iba-iba ang nakakasalamuha natin sa jeep sa araw-araw..

>>eden, haha sinabi mo pa, marami talaga chika, minsan nga sa haba ng traffic nalaman ko na ang kwento ng buhay ng mga katabi ko haha :P

>>rhodyl, hehe ganun naman talaga, iba't iba klase ng tao ang makakasama mo sa loob ng jeepney.. buti nga kamo kung lahat ng makaka-sakay mo ay mga trabahador, minsan lang mamalasin ka pati holdaper at mga mangduukot kasama mo din :(

>>enoc, haha korek ka dyan!! dami talaga wento sa loob ng jeep.. feeling ko nga ang loob ng jeep ay parang Bahay Ni Kuya hehe..

>>hi utoy! welcome po sa blog ko :) ang cute naman ng story mo haha.. 2 baluga :P

>>mousey! hahaha hay naku ako din minsan nalilimutan ko din magbayad.. tsaka ko lang narealize na ndi pala ako nakapag-bayad kapag may natirang barya sa pants ko, usually kasi hinahanda ko na ang pamasahe ko para ndi na me nagbubukas ng bag or wallet :)

>>enoc, hahaha, oh well ganun talaga :P

>>tutubi, beep beep beep din sayo :P

>>ferdz, korek ka, kapag wala me magawa lalo na at traffic, nakikinig na lang sa mga usapan nila, minsan nga napapatawa na lang din ako kahit ndi ako kasali sa usapan nila haha :P