11.13.2006
posted by jhenny at Monday, November 13, 2006

sunday 9am, i was getting ready to leave from the office at medyo excited pa me na umuwi sa bahay... *makakatulog na din sa wakas*

woopps.. my cellphone is ringing..

I'm telling you loosen up my buttons baby
But you keep fronting
Saying what you going do to me
But I ain't seen nothing


me : hello?

man : hello po, si jennifer mabignay ba to?

me : opo, who's this?

man : nakita ko kasi yung wallet mo, hinde ko lam kung pano ko isosoli..

me : huh?? wallet ko?? ( loko to ah, nakita daw nya wallet ko, eh pano mangyayari yung nasa bag ko yung wallet ko ) *sabay abot sa bag at search ng wallet.... shocks!! wala nga!!!*

me ulet : manong san ko po makukuha yan??

man : dito kami sa southgate, pagkalagpas lang ng ATC.

me : ano po?? san po yang southgate??

man : dito sa may ginagawang spa, blue water spa.

me : naku, san po kaya yan?

man : sa madrigal to eh..

me : ayy sa madrigal po ang office ko, wait po san po sa madrigal? man: *sabay tanong sa kasamahan nya* pare san ba banda to? ( pare: sabihin mo sa tabi ng sony. )

me : ayy, sa tabi ng sony, sa corporate bldg po ba kayo??

man : oo sa corporate nga.. nadukutan ka ba ng wallet?

me : ahh sa corporate, dito lang po ako sa CGT, sa kabilang bldg lang pala kayo, naku manong ngayon ko nga lang po nalaman na nawawala yung wallet ko pagkatawag nyo. sige po puntahan ko na lang kayo, maraming salamat po. ano po name nyo?

man : benjie, ok sige kunin mo na lang dito. bye.



*hatak kay officemate, sabay punta sa katabing bldg.*



me : sino po si manong benjie?

manong benjie : ako, eto yung wallet mo *sabay abot*

me : san nyo po nakuha yung wallet ko? kasi po hinde ko po alam talaga na nawawala na yung wallet ko kung hinde pa nyo ako nakontak.

manong benjie : dun sa kanto sa sakayan ng jeep. mukhang itinapon na lang kasi wala ng laman ng mapulot ko.

me : ganun po ba, sige po salamat po, ok lang po at least nakuha ko po wallet kasi po yung mga ids ko nandito.

manong benjie : sige miss ok lang, ingat na lang sa susunod.

me : opo salamat po.

===================


hay nakakaloka, yung wallet ko nawala sa bag ko, imposible na nahulog sa sakayan ng jeep yun, kasi hinde naman ako dun dumaan going to work, sa tapat ako ng bldg namin bumaba kasi hinatid nya ako. its just so sad to learn na sa office nawala yung wallet ko. :(

sino naman kaya ang gagawa nun? *hinde ko din alam ang sagot*

total ng nawala : 1,200php + latest complimetary pass on SM cinema ( astig pati yun kinuha, tapos yung expired iniwan nya sa wallet ) tsk. tsk tsk.

moral lesson : itago ang bag sa drawer at i-lock yun kapag aalis sa desk.

 
14 Comments:


At Mon Nov 13, 11:26:00 PM, Anonymous abel

mas okay na rin iyon, at leas kahit papaano, naibalik at nakuha mo ang wallet mo :)

 

At Tue Nov 14, 12:49:00 PM, Blogger Leah

buti naman at tumawg sa iyo si Manong Benjie... mga credit cards? walang nawala?

Ingat ka na lang nga palagi. Mahirap ng maftiwala ngayon kahit saan ka man.

 

At Tue Nov 14, 07:02:00 PM, Blogger jhenny

hi abel and leah! :) thanks for dropping by.

yeah, masaya na din ako at least may nagmalasakit na ibalik yung wallet ko :) and leah naibalik naman lahat yung money lang at complimentary pass sa SM cinema yung kinuha, all IDs, atms are there :)

 

At Wed Nov 15, 04:01:00 PM, Anonymous Ferdz

Nakupo! Me malikot kamay sa office nyo na mahilig gumala sa SM. Buti naman kahit papano me nabalik din sa iyo. Hirap din kumuha ng bagong IDs pati ATM

 

At Wed Nov 15, 08:36:00 PM, Blogger jhenny

hi ferdz! nice seeing u again here sa blog ko :)

hay sinabi mo pa, nakakatakot nga eh pero yun nga thankful pa din ako kasi naibalik yung wallet ko at yung mga important things na nandun at least yung money pwede ko pa kitain sa work :)

buti na lang may isang manong benjie na nagmalasakit na ibalik yung wallet ko kahit wala ng laman :)

 

At Fri Nov 17, 04:05:00 PM, Blogger Iskoo

grabe mga mandorukot ngayon pati ticket sa sinehan pinatos, baka gustolang talaga manood ng sine tapos bibili ng popcorn worth 1200! ingat nalang sa susunod.

 

At Sat Nov 18, 02:55:00 AM, Blogger M I C H E L L E

Naku, sobra na talagang marami loko ngayun sa atin.. Buti mabait si manong at sinoli pa yung wallet mo. Kawawa ka naman at nabiktima ka, ingat na lang lagi para d na maulit, sayang naman yung P1,200 and pass sa cinema.

Have a nice weekend! :)

 

At Sun Nov 19, 09:51:00 AM, Blogger jhenny

ello iskoo and michelle! thanks for dropping by guys :)

hay oo buti nga naibalik yung wallet ko, ok na yung 1200php kikitain ko pa yun, lam nyo ba si manong benjie is a construction worker na nagsoli ng wallet ko, nakakalungkot lang minsan isipin na professional pa naman naturingan eh nang-uumit ng hinde kanya, hinde naman ako bitter natatawa pa nga ako kasi pati yung complimetary pass kinuha nya, astig diba! :) hehehehe..

god bless both of you and dalaw-dalaw lang ayyt :)

 

At Mon Nov 20, 03:37:00 PM, Blogger risk

nawalan na rin ako ng wallet before. and i tell you, sobrang hassle kumuha uli ng mga id's. pati na yung ipa-cancel yung mga atm's at credit cards na kasama nun e kailangang ipa-cancel agad at magbayad pa para lang kumuha ng kapalit nung mga nawala... tnx sa pag-visit sa blog ko. sige, link na rin kita ha... daan daan ka lang pag may time ka. sa alabang ka lang pala nagwo-work. dati akong tambay dyan sa atc e, heheheh...

 

At Mon Nov 20, 03:37:00 PM, Blogger risk

nawalan na rin ako ng wallet before. and i tell you, sobrang hassle kumuha uli ng mga id's. pati na yung ipa-cancel yung mga atm's at credit cards na kasama nun e kailangang ipa-cancel agad at magbayad pa para lang kumuha ng kapalit nung mga nawala... tnx sa pag-visit sa blog ko. sige, link na rin kita ha... daan daan ka lang pag may time ka. sa alabang ka lang pala nagwo-work. dati akong tambay dyan sa atc e, heheheh...

 

At Mon Nov 20, 05:02:00 PM, Blogger jhenny

hi risk, thanks for dropping by, wow really tambay ka din ng atc dati? hehehe.. dalaw-dalaw ka lang din :)

hay sinabi mo pa very hassle talaga buti na lang at may mabuting loob pa din na nagsoli kahit wala na laman yung wallet ko :)

 

At Tue Nov 21, 02:25:00 PM, Blogger risk

opo, dati e araw araw ako dun, heheheh!!! umaakyat ka rin ba?

 

At Wed Nov 22, 04:20:00 PM, Blogger jhenny

ahh really?? wow nagpapacheck ka ba ng attendance sa ATC? lol.

yep minor climbs lang po, ngayon nga ndi na kami akyat kasi busy na yung mga pro-mountaineers na kasama namin umakyat ng bundok... and medyo busy din ako sa work, 2 pa lang naakyat ko, mt. maculot and mt. manabu :)

sana nga maakyat ulet ako eh :)

 

At Wed Dec 06, 11:50:00 AM, Anonymous ituloy angsulong

hello, salamat sa link! pasalamat na rin at wallet mo lang ang nawala at hindi ikaw ;)